Isinusulong ni Senador Koko Pimentel ang pag-apruba sa panukala na mag-oobliga sa mga remittance companies na ipaliwanag ang kanilang mga singil sa ipinapadalang pera ng mga OFWs.

Sen. Koko Pimentel

Sen. Koko Pimentel

Sa kanyang Senate Bill 2162, hiniling ni Pimentel na protektahan ang remittances ng OFWs sa pag-oobliga sa mga remittance agencies na sumunod sa "anti-price gouging rules."

“Over the years, there have been complaints that remittance agents or money transfer companies utilize unfair and deceptive trade practices such as using rates notably lower than the foreign currency exchange rates of Philippine banks, in effect concealing the real rate to most recipients,” sinabi ni Pimentel sa paghahain ng panukala, kasabay ng pagbanggit sa mga reklamo ng mga Pilipinong manggagawa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ilalim ng panukala, kinakailangan magrehistro at makapagbigay ng requirements, na inisyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR), ang lahat ng remittance agents at kumpanya.

Vanne Elaine P. Terrazola