Nakasilid sa ilang pakete ng tsaa ang 276 na kilo ng shabu mula sa Vietnam, na nagkakahalaga ng P1.8 bilyon, nang masabat sa Manila International Container Port nitong Biyernes ng gabi.

Ang drug shipment ay nasa 40-feet container na naka-consign sa Wealth Lotus Empire Corporation, ayon sa Bureau of Customs (BoC).

Dumating ito sa Manila North Harbor nitong Marso 17, at idineklara bilang plastic resin.

Isang kilo ng shabu ang nakasilid sa bawat isang berdeng packaging ng mistulang Chinese tea product.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa intelligence information na nasagap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sinabing ilang kargamentong lulan sa barkong Callao Bridge V145E ang may ilegal na droga, kaya nagsagawa ng masusing pag-iinspeksiyon sa pinaghihinalaang container.

Hanggang sa nadiskubre ang ilang sako na ginapos yellow tape, na naglalaman ng items na nakabalot sa clear cellophane at selyado sa foil packaging. Kalaunan, nakumpirmang shabu ang mga ito.

Sinabi ni PDEA General Director Aaron Aquino, na ang naharang na kontrabando ay pareho sa nasamsam sa drug bust kamakailan sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Ang ilegal na droga na nasamsam sa Vietnam ay katulad ng nadiskubre sa MICP nitong Biyernes, ayon kay Aquino.

“Operation of PDEA and Customs started when Vietnam Police seized last March 20 300 kilograms shabu in buy-bust operation in Ho Chi Minh allegedly run by Chinese national who uses textile company as coverup,” ani Aquino.

Betheena Kae Unite