Nadakip ng pulisya ang isang umano’y squad leader ng New People’s Army na nahaharap sa mga kasong kriminal sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Chief Supt. Carol Lacuata, regional information officer, nakilala ang naaresto na si Arnold Tongdo Tumbali, alyas “Diway”, 46, binata, vice squad leader ng Abraham Bannawagan Command, KLG Baggas, at tubong Mabaca, Balbalan, Kalinga.

Si Tumbali ay may nakabinbing 4 counts ng kasong murder at multiple fraustrated murder sa Tabuk City, Kalinga, ayon sa Police Regional Office-Cordillera,La Trinidad, Benguet.

Sa ulat ng Kalinga Provincial Police Office, si Tumbali ay dinakip ng mga awtoridad sa Barangay Lanna, Tabuk City, Kalinga, nitong Marso 21, dakong 4:20 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Marcelino Wakas, ng Branch 24, Tabuk City Regional Trial Court, sa kasong double murder with multiple frustrated murder, noong Enero 14, 2014 at noong Disyembre 27, 2011, ayon sa pagkakasunod.

Nahaharap din si Tumbali sa kasong murder sala ni Judge Joseph Baguilat, ng Regional Trial Court Branch 14 sa Lagawe, Ifugao.

Wala ring piyansa ang isa pang kaso nitong murder na hawak ni Lagawe, Ifugao Regional Trial Court Judge Romeo Habiling.

Rizaldy Comanda