FORTY five years ago na nang itayo ni then San Juan City Mayor Joseph Estrada ang Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (Mowelfund,1974), isang non-stock, non-profit social welfare, educational and industry development foundation para sa mga manggagawa ng pelikulang Pilipino, at tumutulong sila sa mga miyembro nito sa oras ng kanilang pangangailangan.

Sa Saturday, March 23, ipagdiriwang nila ng 45th anniversary ng Mowelfund, kasabay ang ground breaking ceremony para sa bagong gusali ng foundation na itatayo at popondohan ng Victor Consunji Development Corporation (VCDC) – ito ay partnership ng VCDC at Mowelfund na pumasok na rin sa real property development para madagdagan ang pondo at benepisyo nila para sa may 4,000 members nito.

Ayon kay Mowelfund Trustee and President Boots Anson Roa-Rodrigo, noong una ay ayaw pumayag ni Manila Mayor Erap na ibenta ang kalahati ng lote pero later on ay pumayag na rin siya, kaya it’s a very emotional thing, pero nariyan pa rin ang Mowelfund at mas makatutulong sila sa mga miyembro nito. Nakakalungkot nga lang na habang tumatagal ang panahon, konti na lang ang mga tulong na natatanggap nila mula sa kita ng Metro Manila Film Festival taun-taon.

Nangako naman daw ang VCDC na itatayo nila ang bagong building sa loob ng anim na buwan, bago nila i-demolish ang old building para ilipat doon ang FPJ Museum at pambansang museo ng pelikula at ng Mowelfund Film Institute.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang nalalabing kalahati ng lote ng Mowelfund ay pagtatayuan ng mga bahay na magkakahalaga ng P18 million bawat isa at tatawagin itong Mowelfund Residences.

Once na matapos ang lahat ng ito, magkakaroon ng separate gates ang Mowelfund at Mowelfund Residences for their privacy

-NORA V. CALDERON