Titindi pa ang magiging epekto ng El Niño sa bansa sa susunod na mga buwan.

NASIRA Maisan sa Alamada, North Cotabato. KEITH BACONGCO

NASIRA Maisan sa Alamada, North Cotabato. KEITH BACONGCO

Ito ang babala ngayong Sabado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at sinabing lalo pa itong magdudulot ng mainit at tuyot na panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Inaasahan na rin ng PAGASA na magkaroon ng below average rainfall sa malaking bahagi ng Pilipinas sa Abril, at sa Mayo, makararanas naman ng below normal rainfall ang ilang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaasahan ding maitatala ng PAGASA ang below average rainfall sa malaking parte ng Luzon, maliban sa silangang bahagi nito, pagsapit ng Hunyo.

Babala ng ahensiya sa publiko, asahan na rin ang mararanasang “near average to slightly warmer” na temperatura sa tinukoy na panahon.

Binanggit naman sa inilabas na international climate model na magpapatuloy ang epekto ng El Niño hanggang sa third quarter ng taon, at inaasahang hihina na ito sa huling tatlong buwan ng 2019.

Sinabi pa ng PAGASA na kahit hindi pa gaanong nararamdaman ang epekto ng El Niño, naaapektuhan na nito ang sektor ng agrikultura, water at marine resources, kalusugan ng tao, at kapaligiran.

Ellalyn De Vera-Ruiz