Bumubuo ngayon ang baybaying bayan ng Currimao sa Ilocos Norte ng mga eco-friendly bricks para sa kanilang kiddie park, mula sa mga basurang plastic na nakokolekta ng mga residente.
Nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng isang kilong bigas kapalit ng isang kilo ng plastic, bilang suporta sa mas pinaigting na solid waste management program ng bayan.
Sinabi ni Ericson Biag, Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO), na ang “Palit Plastic to Bigas Program” ng Currimao “is meant to reduce residual wastes in the municipality”.
Nitong unang bahagi ng Marso sinimulan ng bayan ang implementasyon ng programa gamit ang P22,000 halaga ng bigas.
Ayon kay Biag, nagtatakda ang lokal na pamahalaan ng pagbisita sa bawat barangay kung saan maaari ipalit ng mga residente sa bigas ang kanilang mga nakolektang plastic.
“We are doing this to ensure they will no longer need to spend for transport when they go and deliver their plastic wastes to the municipal hall,” aniya.
Ang mga nakolektang plastic ay dinudurog at inihahalo sa buhangin at semento upang makagawa ng mga ladrilyo.
Pagbabahagi pa ni Biag, na isa ring municipal agriculturist, plano nila na ipatupad ang proyekto hanggang sa masanay na ang mga lokal na residente kung paano mamahala ng solid waste.
Sinabi naman ni Mayor Gladys Cue na ang baybayin ng bayan ang maituturing na ‘key biodiversity area’ ngunit nasa panganib ngayon dahil sa aktibidad ng mga tao na nakaaapekto sa kapaligiran.
“Protecting our natural resources is for our future generation and this will be my forever advocacy. It must be clear to all of us to focus on protection of environment and do something not to jeopardize it,” aniya.
Ipinagmalaki rin niya na ang Currimao, ang unang bayan sa probinsiya na lumagda sa isang memorandum of understanding kasama ng Department of Envrionment and Natural Resources para sa pagsusulong ng sistema na magbibigay proteksiyon at konservasyon na likas na yaman.
PNA