Muling nagpahayag si Pangulong Duterte ng kanyang solusyon upang tapusin ang kanyang nasimulan, sinabing hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa bansa pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Philippine Army, sinabi ni Duterte na titiyakin niyang nasa tama ang lahat ng bagay sa panahon ng kanyang termino dahil hindi niya alam ang kinabukasan ng Pilipinas.
"I do not know what is tomorrow. I am not saying that I’m the only one capable. There are a lot of us --- we shared the responsibility of governance," aniya.
"Well, leaves a bad taste in the mouth but I said I do not know [who] would be the next president. I... I’d like to see somebody in the horizon and until now I’m searching," dagdag niya.
Sinabi ito ng Pangulo dahil sa kawalan ng kasiguraduhan, nais niyang siguruhin na ang bansa ang ay nasa maayos na kalagayan bago matapos ang kanyang tungkulin bilang Chief Executive.
"We are not sure of what the tomorrow is, since you already have this, tapusin na natin ito. I’d like to finish this war, both Abu Sayyaf, pati komunista, and the drug problem in about three years," ani Duterte.
"God willing, we’d be able maybe just not really completely eradicate it but reduce the activities or the illegal trade and the fighting to the barest minimum," dagdag niya.
"Hindi ko kasi alam kung sino ang nakikita ko na --- kaya medyo nandito na rin ako at may konting panahon pa naman. Tapusin na natin ‘to," patuloy ni Duterte.
Tiniyak ng Pangulo na aakuin niya ang responsibilidad sa lahat ng mangyayari bilang resulta ng kanyang mga autos at polisiya.
"I guarantee you, under my term, I said I assume full responsibility for all that would happen as a consequence of enforcing the law, whether against the criminals, the drugs traffickers of the rebels would want to destroy government," sabi niya.
"Together, let us keep our communities and our nation safe, secure and peaceful for the sake of this country and of our children and of our fellow Filipinos. Let’s do it. Tapusin na natin ito lahat para sa ating bayan," pagpapatuloy niya.
Argyll Cyrus B. Geducos