UNTI-UNTI, lumalaki ang bilang ng mga koponan na nakikiisa sa misyon ng Community Basketball Association (CBA).

NANINDIGAN si Jeremy Go ng Go For Gold (ikalawa mula sa kanan) na mapagtatagumpayan ng atletang Pinoy ang pangarap na medalya kung sapat ang suporta at programa, habang matamang nakikinig ang iba pang panauhin (mula sa kanan) CBA founder Carlo Maceda, at Ringstar Asia boxing promotion founder Scott Patrick Farrell

NANINDIGAN si Jeremy Go ng Go For Gold (ikalawa mula sa kanan) na mapagtatagumpayan ng atletang Pinoy ang pangarap na medalya kung sapat ang suporta at programa, habang matamang nakikinig ang iba pang panauhin (mula sa kanan) CBA founder Carlo Maceda, at Ringstar Asia boxing promotion founder Scott Patrick Farrell

Ibinida ng dating actor/director na si Carlo Maceda, founder ng CBA, na kabuuang 42 koponan ang sumali sa liga sa Cebu City.

“We’re happy to announce that after conducting seminars and basketball clinic sa Cebu, biglang dumami ang sumali sa CBA. Overwhelmed po kami dahil napatunayan naming namarami kaming kaisa sa layuning mapaunlad ang basketball sa grassroots,” sambit ni Maceda sa kanyang pagdalo sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS), sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“May iskedyul kaming pagbisita sa Naga City, hopefully marami rin kaming maengansyo na tulungan ang kabataang Pinoy na maabot ang pangarap nilang PBA.

“Kulang kami sa personnel and resources, pero nakakaraos dahil sa pagkakaisa at palitan ng kung ano meron sila na wala ang ibang koponan,” aniya.

Sa NCR, may 16 na koponan ang CBA na naglalaro tuwing weekend sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Lumarga naman ang CBA Governor’s Cup sa Talisay Sports Complex sa Cebu City.

Sa paunang resulta, nangibabaw ang Talisay City laban sa Sibonga, 96-69.

Ginapi naman ng Naga City ang Carcar, 77-61, habang nagwagi ang Milangnila laban sa San Fernando, 73-69.

Sa iba pang resulta, nagwagi ang Argao sa Oslob, 73-69; dinurog ng Alcoy ang Santader,86-60; at namayani ang Samboan sa Boljoon, 79-78, sa Oslob Municipal gym.

Naungusan ng Balamban ang Tuburan, 97-96, sa Tuburan Municipal gym..

Pinabagsak ng Bogo City ang Sta. Fe, 88-62; pinataob ng Tabogon ang Tabuelan, 79-72; at hiniya ng Medelin ang San Remigio, 76-66, sa Bogo City Coliseum.

Sa Catmon Municipal gym, naihawla ng Carmen ang Borbon, 87-85; habang naisahan ng Sogod ang Catmon, 74-73.

Tinalo ng San Francisco ang Poro, 91-62; at nahigitan ng Danao ang Tudela, 119-62, sa Danao City Civic Center.

Dinaig ng Consolacion ang Cordova, 85-78, sa Consolacion Municipal gym.

Kinaldag ng Moalboal ang Ronda, 78-71; at pinatalsik ng Dumajug ang Alcantara, 89-53,sa Dumanjug Municipal gym.