INALMAHAN ni Aaron Villaflor ang sinabi ni Dawn Chang tungkol sa preferred nitong paraan ng panliligaw.

Aaron Villaflor copy

Si Aaron ang topic nang makatsikahan ng print media si Dawn sa nakaraang Papa Pogi mediacon, produced ng Regal Films. Natanong ang Girltrends member kung bakit hindi niya sinagot si Aaron, at mas pinili niya si Justin Cuyugan.

“Gusto ko kasi (manliligaw) may effort, hindi ‘yung papadalhan ka ng meryenda thru PA (personal assistant) o sa driver,” sagot ni Dawn.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa special screening ng Bagman nitong Martes, nakausap namin si Aaron, na isa sa sumuporta kay Arjo Atayde.

“Huy, nag-effort ako! Nagbigay ako, sobra! Huy, Baby Love (tawagan nila ni Dawn), grabe ka naman sa akin! Nag-effort naman ako. Baby Love ang tawagan namin kahit may boyfriend na siya ngayon. Very supportive naman ako sa kanila,” pagtatanggol ni Aaron sa sarili.

“Actually, nag-e-enjoy lang ako, hindi palang nagkaroon ng panliligaw nu’ng time na ‘yun,” sabi pa ni Aaron.

Magkaiba raw ng hilig sa buhay sina Aaron at Dawn, dahil ang una ay mahilig gumimik at maraming kaibigan, na nakilala rin naman ng huli.

“Aminado naman ako, dati ‘yun, kasi gusto ko rin namang maglibang, magkaroon ng time outside. Minsan kasi sobrang stressed na rin tayo sa work, so as much as possible I find time with my friends specially with special friends,” pag-amin ng aktor.

“Ngayon hindi na, iba na ang interest natin ngayon. I’m already 28, naiiba na rin ang interest ko sa buhay. Aayusin ko ang sarili ko this 2019,” sabi ni Aaron.

As of now ay hindi prioridad ni Aaron ang love life dahil maganda ang takbo ng taon sa kanya, kaya pagbubutihin niya.

Oo nga, suwerte ni Aaron, dahil sa unang pagkakataon ay nominado siya sa 67th FAMAS Awards para sa pelikulang Mamu and A Mother Too, sa kategoryang Best Supporting Actor.

“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi nu’ng una akong ma-nominate. Sobrang saya ko na. Tapos ito sa FAMAS, so ang saya. Maging nominado ka lang masaya na ako.

“As much as possible kini-claim ko talaga ang 2019 na magandang taon ito para sa akin. Kaagad pumasok ‘yung pelikula with Jodi Sta Maria, [ang] Clarita. Hopefully maging maayos ang takbo ng career ko ngayon. Happy talaga ako ngayon.

“Lord sana huwag n’yo munang ihinto ‘yung magagandang nangyayari sa buhay ko ngayong 2019, sobrang blessed ako. Thank you, thank you, FAMAS, for the nomination,” nakangiting pahayag ng binata.

Pawang beterano ang mga artistang makakatunggali ni Aaron na sina Soliman Cruz, Publio Briones III, Joem Bascon, Levi Ignacio, Teroy Guzman, Gabby Eigenmann, Richard ‘Ebong’ Joson, Nanding Josef, at Meggie Cobarrubias.

Si Arjo ang kaedaran ni Aaron na nominado rin sa parehong kategorya para sa pelikulang Buy Bust.

-REGGEE BONOAN