NAGHAHANAP ang sambayanan ng magmamana sa trono ni Manny Pacquiao. Bigyan ng pagkakataon sina Michael Dasmariñas and Kenny Demecillo.

Magtutuos sina Dasmarinas, kasalukuyang International Boxing Organization (IBO) champion, at si Demecillo sa IBF eliminator saa Sabado (Marso 23) sa Resorts World Manila.

Sa pagtutulungan ng MP Promotions at Singapore-based Ringstar Asia, mapapanood ng sambayanan ang galing at talento ng dalawang pamosong Pinoy fighters na kapwa may kakayahan na maging world champion at matularan ang tagumpay ng Pambansang Kamao.

Orihinal na nakatakda ang laban sa Singapore, ngunit nagdesisyon ang promoter na dalhil sa Manila para masaksihan ng mga Pinoy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re all excited. It is a great opportunity to work with boxing legend Pacquiao in this promotion and build the next world champion in boxing,” pahayag ni Ringstar Asia founder Scott Patrick Farrell sa kanyang pagbisita kahapon sa 15th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Ayon kay Farrell, ang 26-anyos na si Dasmariñas, tinaguriang “Gloves on Fire”, tiyak na magiging pukpukan ang laban dahil sa paghahangad ng kampean na makalaban sa mas mataas na world title.

“As a fighter, Michael (Dasmariñas) does have a lot of power, and a good chin. He has yet to become a household name, but that is about to change now that he is under Ringstar,” pahayag ni Farrell sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC).

Nakamit ni Dasmariñas ang IBO crown via fourth-round knockout kontra Karim Guerfi ng Singapore nitong Abril 2018.

Ngunit, mapapalaban si Dasmariñas, may kartang 28- 2-1, tampok ang 18 knockouts, sa matikas at mapanganib na si Demecillo (14-4-2, 8 knockouts).

Kasama ni Farrell sa TOPS forum si Go for Gold founder Jeremy Go at chess wiz Asian Youth 18-under chess champion Marvin Miciano.