PINAYUKO ng National University ang University of the Philippines, 4-2, upang makamit ang huling Final Four slot sa UAAP Season 81 softball tournament kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Inihatid ni Pearly Joy Lorca si Leila Tarroza sa home base sa ibabaw ng 6th inning na nagbigay ng kalamangan sa Lady Bulldogs, 3-2.

Bukod sa nasabing go-ahead RBI, umiskor si Lorca ng isang run upang ilayo ang NU at siguruhin ang panalo.

Makakasagupa ng NU ang defending 8-time champion Adamson University sa semifinals sa Sabado.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Sa isa pang semis pairing magtutuos naman ang No. 2 De La Salle at No. 3 University of Santo Tomas. Marivic Awitan

Tangan ng Lady Falcons at Lady Batters ang twice-to-beat bonus sa Final Four matapos ang 1-2 finish sa double-round eliminations.

Kung makakahirit ang dehadong karibal, itinakda ang sudden death match sa Lunes, habang ang best-of-three championship ay sisimula sa Marso 29.

-Marivic Awitan