Inaresto ang Korean singer na si Jung Joon-young kaugnay ng sex videos ng 10 babae na kinunan niya nang walang permiso ng mga ito at inupload sa KakaoTalk chat rooms.

Jung Joon-young

Jung Joon-young

Nagpalabas ang Seoul Central District Court ng warrant of arrest laban sa singer bandang 8:45 ng gabi nitong Huwebes, dahil may posibilidad umano na sirain ang mga ebidensiya.

Nauna rito, nagsagawa ang korte ng preliminary investigation sa warrant para kay Joon-young, na dinaluhan ng K-pop star.

Pelikula

Alden, Kathryn emosyunal sa world premiere ng 'Hello, Love, Again'

“I am sorry. I made a big and inexcusable mistake, and I admit my guilt. I will accept the court decision without a battle. I apologize to the ladies who have suffered because of me. I will live my days repenting for the sins,” iniulat ng Yonhap News na sinabi niya sa korte.

Marso 18 nang hilingin ng Seoul Metropolitan Police Agency ang warrant of arrest laban kay Joon-young.

Inakusahan si Joon-young ng sekretong pagkuha ng videos ng pakikipagtalik niya sa iba’t ibang babae at pag-a-upload nito sa chat rooms, kung saan miyembro rin si Seungri ng Big Bang at si Choi Jong-hoon ng FT Island.

Ang #KakaoTalkgate ay isa sa pinakamalalaking eskandalong yumanig sa Korean entertainment industry sa nakalipas na mga taon.

Jonathan Hicap