Binaril ng riding-in-tandem ang executive secretary ni dating Makati mayor Junjun Binay sa tapat ng bahay nito sa Makati City, nitong Huwebes ng gabi.

BINAY_ONLINE

Ayon sa Makati police, tinamaan ng bala si Monaliza Bernardo, 44, sa kanang kamay at sa tiyan.

Sa imbestigasyon, binaril si Bernardo habang ipinaparada niya ang kanyang sasakyan sa kanyang bahay sa Barangay Olympia, Makati, dakong 8:00 ng gabi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iniulat na kagagaling lamang nito sa trabaho.

Siya ay binaril ng isa sa mga armado. Tumama ang bala sa kanan nitong kamay at tumagos sa tiyan.

Humarurot ang tandem bitbit ang baril na ginamit kay Bernardo, ayon sa awtoridad.

Isinugod ang sekretarya ni Binay sa Makati Medical Center.

Ayon sa mga saksi, ang armado ay may katamtaman na pangangatawan, nakasuot ng asul na shirt, denim pants, at itim na helmet.

Samantala, ang backrider ay nakasuot ng dilaw na polo-shirt at itim na helmet.

Ayon kay Ryan Oguera, isa sa mga saksi, nakita niya ang mga suspek na nag-aabang sa tapat ng kalapit na apartment sa barangay. Ganito rin ang sinabi ng isa pang saksi na si Ronaldo Bohoyo.

Samantala, ipinag-utos ni Mayor Abigail Binay sa Makati police na imbestigahan ang insidente na kinasangkutan ng executive secretary ng kapatid, sinabing hindi niya hahayaana ang kahit sino na sirain ang kapayapaan sa Makati City.

"Tahimik at payapa kami dito sa Makati. Hindi ako papayag na sirain ito ng mga gustong manggulo sa aming lungsod. Inaatasan ko ang chief of police na gawin lahat para ma-resolba ang insidente at matukoy kung sino ang nasa likod nito," aniya.

"Inaatasan ko din ang barangay chairman na makipagtulungan sa mga pulis at agad na ibigay sa kanila ang CCTV footage at anumang materyales na magagamit sa imbestigasyon," dagdag niya.

-Jel Santos at Bella Gamotea