Mga Laro Ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

2:00 n.h. -- The Masterpiece Clothing-Trinity vs Marinerong Pilipino

4:00 n.h. -- Che’Lu Bar and Grill vs McDavid

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

PINATAOB ng Diliman College-Gerry’s Grill ang SMDC-NU, 82-70, para sa ikalawang panalo kahapon sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bumalikwas ang Blue Dragons mula sa 12-puntos na pagkakaiwan sa first half nang mag-init si Joseph Brutas at kumana ng tatlong sunod upang maitayo ang 76-64 bentahe.

“I know Brutas for three years now. He’s a young player pero kilala ko yung puso ng batang ‘yan,” pahayag ni Diliman coach Rensy Bajar, hingil kay Brutas na tumapos na may 13 puntos, 5 rebounds, at 2 assists.

Namuno si Beninese big man Kevin Gandjeto sa nasabing panalo ng Diliman-Gerry’s sa itinala nitong 16 puntos at 13 rebounds.

Dahil sa panalo, umangat ang Blue Dragons sa patas na barahang 2-2.

“The defense made this win for us,” ayon pa kay Bajar.”Yun ang sinasabi ko sa kanila lagi. ‘Di kami kilala sa tournament na ‘to but were striving. We want to prove to ourselves that we can compete.”

Nanguna naman si John Lloyd Clemente para sa winless pa ring SMDC-NU(0-4)sa itinala nitong 22 puntos at 6 na rebounds.

-Marivic Awitan