Hiniling na sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang mga ari-arian ni Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam, na hindi deklarado sa 2017 at 2018 SALN nito.

ASSETS download (13)

Ito ay nang magtungo sa anti-graft agency ngayong Biyernes ng umaga ang isang Lino Espinosa Lim, Jr. na nagsasabing ilang ari-arian ni Cam ang nakatago sa mga kapatid niyang sina Purisima Martinez, Martin Cam, at anak na si Marco Martinez Cam.

Karamihan, aniya, sa mga ito ang hindi pa naililipat sa pangalan nito, katulad na lang ng isang resort na nakapangalan sa isang Laureano Vicente.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod dito, kinuwestiyon din ni Lim ang pinagkunan ni Cam ng ipinambili sa ari-arian nito.

"She likewise acquired these properties amazingly in so short a time though she makes it appear that she acquired these prior to her entry in government office. The truth, however, is if there is an honest-to-goodness investigation that will be conducted, it would be found out that these properties were acquired only recently," ayon sa kanya.

Hindi, aniya, akma ang suweldo ni Cam upang makabili ng ari-arian.

Sa reklamo ni Lim, binanggit nito ang Zandra's Beach Resort and Convention Center na binuksan noong Mayo 2018 at matatagpuan sa Barangay Pinamoghaan, San Fernando, Masbate.

Dapat din aniyang magpaliwanag si Cam kung paano nito ginastusan ang pagpapatayo ng nasabing resort na tinatayang aabot sa P100 milyon.

-Czarina Nicole O. Ong