MAGKAKAROON ng sequel ang Bird Box, ang nobelang isinapelikula at pinagbidahan nina Sandra Bullock, Trevante Rhodes, at John Malkovich, at may titulo itong Malorie. Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa October 1 ng kasalukuyang taon.
Inihayag ni Josh Malerman, awtor ng Bird Box, sa Esquire na ang rason kung bakit niya ginawan ng sequel ang pelikula ay dahil kahit siya mismo ay nais niyang malaman kung anong nangyari kina Malorie (played by Bullock) at mga anak niya sa katapusan.
“At the end of the movie, I turned to my girl Allison and said, ‘I want to know what happens next!’ and she’s like, ‘Well, you know, you could make that happen,’ so it really was this warm feeling,” sabi ni Josh.
Ang Malorie ay ipalalabas walong taon makalipas ang unang pelikula at ito ay nakatuon partikular sa karakter ni Sandra at “(it) will also give emphasis on the creatures that terrorized humanity.”
“In the time between Bird Box coming out and the time since I’ve been writing Malorie, I’ve been asked a ton of times: people want to know what happened with Boy and Girl,” sabi pa niya. “But as much as I care about Boy and Girl, this isn’t their story. The Bird Box world is Malorie’s story, and I wanted to know more about her. I wanted to get to know her even better.”
Ang Bird Box ay tungkol sa istorya ni Malorie Hayes at kanyang mga anak sa gitna ng mundong puno ng mga nilalang na kumokontrol sa tao para kitilin ang sarili nilang buhay.
-PATRICK GARCIA