SA grand mediacon ng bagong ABSCBN morning teleserye na may titulong Nang Ngumiti Ang Langit mula sa unit ni Direk Ruel S. Bayani na magsisimula ngayong Marso 25, sa direksyon nina FM Reyes at Marinette Natividad de Guzman, ay natanong ni Yours Truly ang tatlong veteran stars sa serye na sina Pilar Pilapil, Dante Rivero at Ces Quesada kung naranasan na ba nilang ngumiti ang langit sa kani-kanilang buhay. Ang unang sumagot mostly sa wikang Ingles ay si Pilar coz some showbiz people in the know said na talaga daw Inglesera ang isang Pilar Pilapil dahil tipong hirap daw ito mag-explain at magsalita sa Tagalog maliban na lang kung nasa harap siya ng camera.

Pilar at Dante copy

Niwey, ang eksaktong tanong ni Yours Truly sa kanila ay ganito: “At your age at sa tagal n’yo na sa showbiz, ilang beses n’yo nang naramdaman na ngumiti sa inyo ang langit even in real life?”

“Maraming beses na ngumiti ang langit sa akin. The fact that I stayed in show business for 51 years, I started in show business in 1968 so that makes it almost 51 years,” sabi ni Pilar. “So you can imagine how many time heaven smiled at me. As far as my career is concerned. Of course, when it comes to my personal life, it has always been you know, like a roller coaster but I’m very thankful for being in this business and being appreciated by people and producers, ABSCBN, and etc. for almost 51 years and I am very happy about that.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kamusta naman ang lovelife ni Pilar?

“Well, as I’ve said, it has always been a roller coaster but you know in life, you just have to focus on what is good about your life. We cannot be focusing on the negative things because you will not be able to move on. And we will not grow. So the best thing to do is to focus on the beautiful things in life, thank you.”

As of now, is she married?

“Yeah, I’m married now. I married to a Pastor. I’ve been spiritual since 1985. But you know, as I’ve said, nothing is perfect in this world. Even if you already serving the Lord there’s still a lot of struggles, and still a lot challenges in life. But basically I am content. Because I am with the Lord. Thank you.”

K, thank you, too, and Praise God Jesus Christ in your life, Ms. Pilar Pilapil.

How about Mr. Dante Rivero?

“Lagi naman nakangiti ang langit sa akin, eh. Sa tinagal tagal ko sa showbiz, eh, marami na rin akong pinagdaanan, marami akong nakilalang mga taong mga bigtime, mga small time, at natutuwa naman ako na mahal ako ng ABSCBN. Hindi ako nawawalan ng project sa kanila, so I thank you so much, ABSCBN management,” anang batikang aktor.

“At itong ginagawa naming teleserye ngayon ay napakagandang teleserye, isang madamdaming buhay ang gaganapan ng bawat isa sa amin dito. ‘Yung conflict ng bawa’t isa at natutuwa naman ako na lahat ng ginawa namin, ‘yung mga kasama ko dito pulos magagaling, magagaling um-acting, very professional. Maski dumating ka sa oras ng taping, hindi ka maghihintay sa kanila. Kaya again, thank you so much, it’s so nice working with you people at mababait kayo talaga.”

How about Ms. Ces Quesada?

“Ako naman, sinasabi kasi nila na para maging isang magaling kang artista kailangan marami kang bubog sa buhay. Not always a charm life, meaning I’m unhappily married. My daughter nakapagtapos na po ng kolehiyo, may mga kaibigan ako na hanggang ngayon and’yan pa rin. At I believe after being in showbiz for 32 years, nandito pa rin ako,” ani Ces.

“So I feel so blessed, at kung langit lang eh wala na po akong mahihiling pa. Of course, may mga takot rin akong naranasan pero ‘yun ay katulad ng, I waited for seven years before I had my daughter but before that I had three miscarriages, namatayan ako ng anak at lahat it’s been a struggle, but inspite of that, ngumingiti pa rin sa akin ang langit and like Tito Dante said, I feel very fortunate being included in this teleserye kasi napakaganda ng material, well written and I am with people na ang babait ng mga staff, ang mga artista magagaling. Hanggang ngayon ngumingit ang langit sa akin at thank you, thank you very much. I’m so thankful kay Lord because I feel so blessed, too.”

Niwey, pagpapatawad para sa ikabubuo ng pamilya ang mensaheng handog ng ABSCBN sa bago at madamdaming seryeng Nang NgumitiAng Langit. Iikot ang istorya nito sa child star na si Sophia Reola na gaganap bilang si Mikmik na sabi ay mag

-MERCY LEJARDE