KAAGAD yumabang ang Amerikanong si IBF welterweight champion Errol Spence, Jr. na nangakong pagreretiruhin si WBA boxing icon Many Pacquiao sakaling maganap ang nilulutong pagtutuos.

“Oh, it’s definitely a competitive fight,” pahayag ni Spence sa panayam ng BoxingScene.com kung matutuloy ang laban nila ni Pacquiao. “Manny Pacquiao, he’s blood and guts. So that’ll definitely be a great fight. He’s a future Hall-of-Famer, and he’s on his way out. And I’ll definitely give him that retirement check that he been needing.”

Nasa ringside si Pacquiao sa depensa ni Spence kay dating lightweight champion Mikey Garcia na nadomina nito sa loob ng 12 rounds.

Sa panayam, iginiit din ni Pacquiao ang kahandaang na makaharap ang sumisikat na fighter.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“Yes, why not?” sambit ni Pacquiao. “We’ll give the fans a good fight. I’m so happy to be here at AT&T Stadium and I hope I will be back here soon.”

Sa kanyang huling laban, magaang na tinalo ni Pacquiao ang Amerikanong si Adrien Broner via 12-round unanimous decision noong nakaraang Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit mapapasabak si Pacquiao kapag hinarap si Spence na napaganda ang rekord sa perpektong 25 panalo, 21 sa pamamagitan ng knockouts.

Binalewala naman ni Pacquiao ang tanong kung gusto niyang maka-rematch si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr.

“Floyd? You will have to ask him. He seems to be enjoying his retirement. He may not want to come back and fight younger fighters like me,” sabi ni Pacquiao sa Fightnews.com “I want to stay active and fight again this summer. Real fights against real fighters.”

-Gilbert Espeña