Inaprubahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang ordinansa hinggil sa paggamit ng electronic cigarette (e-cigarettes) sa mga pampublikong lugar, kabilang ang advertisement at promotion ng produkto.

VAPE_

Layunin ng City Ordinance 2737-2018 na tuluyang maprotektahan ang kalusugan ng mga residente sa Quezon City, gayundin ang pangalagaan ang interes ng lahat ng stakeholders, kabilang ang mga smoker, na may karapatang pumili ng mas hindi delikadong pamamaraan ng paninigarilyo.

Nakasaad din sa ordinansa na bawal ang paggamit ng e-cigarettes sa loob ng simbahan, ospital o mga health care center, sasakyan, government office, at educational o recreational facility, lalo na ang para sa mga menor-de-edad.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

“In all enclosed places which are open to the general public and private use, e-cigarette product use shall be allowed—provided that the owner, proprietor, operator, possessor, manager or administrator of such places shall post a sign saying: ‘USE OF E-CIGARETTES IS ALLOWED INSIDE’, in a clear and conspicuous manner at every ingress point.”

Maaari ring maglagay ang mga pribadong opisina ng vaping area sa loob ng building, na dapat ay open space o kaya naman ay kahiwalay na lugar na may maayos na bentilasyon, ngunit hindi dapat iisa ang kuwarto para sa smoking area at vaping area.

Pagmumultahin ang mga taong lalabag sa ordinansa mahuhuling gumagamit ng vape sa mga pampublikong lugar na ipinagbabawal ang pagbe-vape, hindi pagsunod ng mga may-ari o administrator sa pagtatalaga ng vaping area; at pagbe-vape sa itinalagang smoking area.

Magmumulta ang mga lalabag ng hindi bababa sa P500 ngunit hindi hihigit sa P1,000 para sa first offense, mahigit P1,000 multa ngunit hindi tataas sa P2,500 para sa second offense. Habang magmumulta naman ng hindi bababa sa P2,500 ngunit hindi tataas sa P5,000, at kanselasyon ng business permit o lisensya para mag-operate, ang ipapataw sa mga offender na paulit-ulit na mahuhuling lalabag.

-CHITO CHAVEZ