TRIP lang nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio ang kumanta-kanta, hanggang sa isang araw ay nagkakilala sila sa isang singing workshop. Doon na nabuo ang grupo nilang JBK at sila ang first Filipino boyband na lumahok sa international stage, sa sa The X-Factor UK noong 2017, bilang ang Millennial Trio. Singers lang daw sila talaga pero bago sila nagpunta sa UK ay nag-aral silang sumayaw.

JBK Millennial Trio copy

“Pero hindi po kami natapos sumayaw dahil nasabihan kami ng host na si Simon Cowell na ‘you’re not a dancer!’,” kuwento ni Kim. “Hindi po naman niya kami talaga pinahiya nang todo dahil hindi naman kami talaga dancers. Kaya nag-focus na lamang kami sa pagkanta.”

“Ang maganda po roon, hindi man kami ang nanalo, parang panalo na rin kami,” sabi naman ni Bryan. “Kasi nag-walk-out po iyong isa sa hosts, si Nicole (Scherzinger), dahil hindi niya nagustuhan ang pinili nilang winner.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

May sariling araw na sila ng gig sa Metrowalk in Pasig City, tuwing Friday habang si Joshua naman ay kasali sa bagong grupo ng musical play na Rak of Aegis sa PETA.

“Ako po si Tolits at hindi naman apektado nito ang schedule ko kung may gig kami,” sabi ni Joshua. “Saka kami po kasi ang sumusulat ng mga songs namin.”

Ngayon naman ay may solo concert silang gagawin sa Music Museum sa March 29, na may titulong Just Be Kind na kuha sa pangalan ng grupo nilang JBK. Ano ang aasahan ng mga manonood sa kanila?

“Dahil kami nga po ang sumusulat ng mga kanta namin, abangan nila ‘yung mga hugot skits namin at kakaibang style ng kantahan. Kami po ang gumawa ng line-up namin. You’ll be hearing songs na never namin kinanta sa mga live gigs namin before tulad po ng mga songs from Queen,” dagdag pa ni Bryan.

“Sa ngayon po, we are doing our vocal lessons and dance rehearsals para paghandaan ‘yung transition ng bawat kanta.”

Magiging special guests ng JBK ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, sina Bradley Holmes, Kakai Bautista at ang cast ng Rak of Aegis including Nina Espinosa.

Ang bahagi ng proceeds ng concert ay ido-donate nila sa Mabuhay Desert Foundation, YesPinoy Foundation at HERO Foundation, Inc. Ayon sa JBK, advocacy nila ang tumulong sa nasabing foundation. Kung wala silang gigs, gumagawa sila ng paraan na kumita, kumakanta sila kahit saan at binibigyan sila ng mga donations ng audience at iyon naman ang dino-donate nila sa mga foundations na tinutulungan nila.

Ang Just Be Kind ay produced ng Winstruck Events Production. Ticket prices are P 1,500 for VIP; P 1,000 for Orchestra, and P 500 for Balcony via www.ticketworl.com.ph or contact 0917-862-1313 for inquiries and ticket purchases.

-Nora V. Calderon