Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko laban sa paglaganap ng mga kaso ng online love scams.
Inihayag ni BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, ang babala ay inilabas sa gitna ng mga ulat na ang sindikatong tumatarget sa mga Pinay ay aktibo nang muli.
Aniya, ang karaniwang pamamaraan ay nakikipag-kaibigan ang mga dayuhan at kalaunan ay manliligaw sa mga Pinay na nakikilala nila online. Nagpapadala rin sila ng mga regalo upang lalong makuha ang tiwala ng biktima, ngunit ang totoo ay miyembro sila ng sindikato.
"These scammers pretending to be foreign nationals would usually arrange a meet-up, and make it seem like they are flying in to the Philippines. Upon their supposed arrival, the victim will receive a call from someone pretending to be an Immigration officer, explaining that the foreign national is in trouble and demanding that money be sent right away. After sending the amount, the victim loses contact with said foreigner," paliwanag ni Sandoval.
"Immigration officers are not authorized to make the first contact to non-passengers during their tour of duty. It is even more illegal to demand money from anyone," dagdag ni Sandoval.
Bilang patakaran, pangangasiwaan lamang nila ang mga padating na mga dayuhan sa paliparan kapag sila’y hindi pinapasok. Kung hindi kasama, ang dayuhan ay pababalikin sa kanyang port of origin sa susunod na available na flight.
Ani Sandoval, unang tinatarget ng naturang sindikato ang mga biktimang mula sa Cebu, at pagkatapos ay ililipat ang kanilang operasyon sa Maynila. Unang natigil ang scam na ito nang mabunyag noong 2015.
“We heard of a victim paying as much as P40,000 to the scammer, and she only started doubting the story when he asked for another P60,000. Just this Monday, we received information that another victim paid P18,000 to the syndicate for the release of a foreign national, who, upon verification, does not exist,” dagdag pa ni Sandoval.
-Mina Navarro