Umapela kahapon sa publiko si Health Secretary Francisco Duque III na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa Japanese Encephalitis (JE), na available na ngayon sa bansa.

JE_

“I urge the public to protect the community from Japanese encephalitis. Protect the infants and children from contracting this deadly disease by getting JE immunization,” panawagan ni Duque.

Ngayong Marso sisimulan ng Department of Health (DoH) ang pagpapakilala sa JE vaccine sa apat na rehiyon na natukoy na pinakaapektado ng naturang sakit, na nakukuha sa kagat ng ‘Culex’ mosquito, na nangingitlog sa mga palayan at swimming pools. Ang mga ito ay ang Regions I, II, III, at Cordillera Administrative Region (CAR).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga sanggol na nasa siyam na buwan hanggang limang taong gulang ang maaaring bigyan ng naturang bakuna.

-Mary Ann Santiago