Patay ang isang umano’y sub-commander at isa pang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang makasagupa ng kanilang grupo ang tropa ng pamahalaan sa Talipao, Sulu, nitong Martes ng hapon.

SAYYAF download (2)

Ang napatay ay kinilala ng militar na si sub-commander Angah Adjid at isa pang bandido na hindi pa rin nakikilala.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng 2nd Special Forces Battalion  sa Barangay Upper Binuang, nang matiyempuhan ang grupo ni Adjib, dakong 4:45 ng hapon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tumagal ng 10 minuto ang engkuwentro na nagresulta sa pagkakasawi ng dalawa.

Sa report ng militar, si Ajid ay natitirang lider ng mga bandido na kasangkot umano sa insidente ng kidnapping noong 20000.

Narekober sa lugar ang dalawang matataas na uri ng armas na kinbibilangan ng M14 rifle at M1 rifle na may kasamang grenade launcher.

Inihayag naman ni Joint Task Force Sulu commnander, Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, Jr., hindi magtatagumpay ang kanilang kampanya laban sa mga bandido kung wala ang suporta ng mga komunidad sa kanayunan.

"The Joint Task Force Sulu, together with the local populace, remain steadfast with our mandate of bringing lasting peace in this part of our country," sabi pa ni Pabayo.

-Francis T. Wakefield