Sinampahan ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman ang anim na alkalde sa bansa dahil matapos silang mabigong magtatag ng kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

OMBUDSMAN download (10)

Kabilang sa nahaharap sa kasong paglabag sa Section 60 ng Republic Act 7160 o Misconduct of Office at Dereliction of Duty) ay sina Donsol, Sorsogon Mayor Josephine Cruz; ‪Bucloc, Abra Mayor Gybel Cardenas; ‪Hingyon, Ifugao Mayor Geraldo Luglug; ‪Claveria, Masbate Mayor Froilan Andueza; Mandaon, Masbate Mayor Kristine Hao-Kho; at ‪Magallanes, Agusan del Norte Mayor Demosthenes Arabaca.

Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Janvier Echiverri, ang paghahain ng reklamo dahil itinalaga ito bilang Outcome Officer para sa anti-illegal drugs program.

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

Tinukoy ni Echiverri ang May 21, 2018 joint memorandum ng DILG at ng Dangerous Drug Board (DDB) noong Mayo 21, 2018 kung saan inaatasan ang lahat ng local government units (LGUs) na buhayin, paganahin at palakasin ang kani-kanilang ADAC.

Naglabas din ang DILG at DDB ng ilang regulasyon upang matiyak na ipatupad ng mga alkalde ang programa.

Gayunman, sinabi ng opisyal na nabigo ang anim na alkalde na sundin ang kautusan.

-Czarina Nicole Ong Ki