“CONGRATULATIONS to young graduate Valerio, Renz Michael V. BSBA – Marketing Management Magna Cum Laude, Best in Marketing Research, Academic Excellence Awardee Batch 2019, Our Lady of Fatima College, Antipolo City.”
Ito ang post ni Renz Valerio sa kanyang Instagram wall.
Nakakahanga na hindi lang isinabay ng young actor sa trabaho ang pag-aaral niya, nag-graduate pa siya sa college with second to the highest honors.
“’Tapusin mo pag-aaral mo, ‘yan lang ang hindi mananakaw sa ‘yo. Kapag hindi ka na artista, ‘yan ang panghahawakan mo para hindi ka maliitin ng kahit na sino’.
“Mga salitang walang sawang pinaaalaala sa akin ng Mama at Papa ko. Mahirap pagsabayin ang pag-aartista at ang pag-aaral. Sa schedule, focus, physical and emotional commitment, energy, mental challenges. If only you guys knew. Pero I won’t let that stop me from achieving the things that the Lord has for me.
“To my friends, my relatives, my mentors... thank you. To Jo-Anne, Ate Mika, Papa and Mama... thank you. This is for you. Salamat sa pagsama at pagtulong sa akin. I cannot thank you enough.
“ A c h a p t e r has ended. Here’s to many more to c o m e . Moving forward,” post pa ni Renz.
Nang makausap namin si Renz noon sa presscon ng bago niyang afternoon prime drama series na Inagaw Na Bituin, mangiyak-ngiyak siya sa pagkukuwento na pumanaw na ang ina niyang may sakit ilang araw bago ang presscon.
Kaya hindi na makikita ng kanyang ina ang pagtatapos niya sa college. Ang medal na tinanggap ni Renz ay dedicated niya sa kanyang pamilya.
Three years old pa lang nang nagsimula bilang commercial model si Renz, at nagtuluy-tuloy na iyon sa pagiging child actor niya hanggang ngayon.
For now, bibigyan muna ng time ni Renz ang pagte-taping ng Inagaw Na Bituin, na gumaganap siyang secretly in love sa bidang si Kyline Alcantara. Napapanood sila everyday after ng Dragon Lady, sa GMA 7.
-NORA V. CALDERON