Isang linggong sususpendihin ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 sa Abril ang biyahe nito upang bigyang-daan ang annual general maintenance shutdown nito.
Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), itatapat nila sa Mahal na araw ang tigil-biyahe ng MRT para sa pagkukumpuni, upang hindi ito masyadong makaapekto sa mga pasahero.
Kinumpirma ng DOTr na walang biyahe ang MRT sa simula sa Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 21, Easter Easter Sunday.
“Maintenance works that will be done during the one week suspension of revenue operations include rail grinding, rail cascading, replacement of turnouts, structural testing, and other general maintenance activities on our trains, electrical systems, and other MRT-3 subsystems,” saad sa abiso ng DOTr.
Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng mga tren ng MRT sa Abril 22, Lunes.
Bagamat wala pang anunsiyo, inaasahang magpapatupad din ng taunang general maintenance shutdown ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 sa Kuwaresma.
-Mary Ann Santiago