KAYA naman pala topak-topak ang magka-love team sa shootings/tapings ng mga project nila ay dahil ayaw na nilang umarte sa harap ng camera, mas gusto na lang daw nilang mag-perform o mag-produce ng sarili nilang music video o guestings lang.

“Ayaw na nilang magpuyat to the max o ‘yung mahahabang oras ng work. Kaso wala naman silang choice kasi nakapirma sila ng ilang taon sa management company nila plus may kontrata rin sila sa TV network na konektado sila,” kuwento ng aming source.

Nakagugulat naman ang magka-love team na ito dahil ilang taon pa lang sila sa showbiz ay burn out na kaagad sila? Hindi pa naman nila gaanong naabot ang rurok ng tagumpay kung ikukumpara sa ibang love teams na humakot ng ilang daang milyones sa kanilang mga pelikula.

Hindi rin naman ganu’n kalakas ang kita ng magka-love team na kung ikukumpara sa ibang love teams, kaya anong problema? Bakit gusto na nilang magretiro sa paggawa ng pelikula?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sitsit naman sa amin ng isa pang source: “Parang hindi raw kasi worth it ang bayad nila sa movie kung ikukumpara sa guestings, commercials, na ilang oras lang unlike ‘pag movie, months at puyatan talaga.”

Sabay sabi ng isa pang executive: “Ang dami nilang bayarin no, paano nila mababayaran lahat kung hindi sila gagawa ng movie, maski paano makakabawas ‘yun sa utang nila?”

Teka, ano bang mga bayarin nila?

“Milyones ang mga bahay nila,” sagot sa amin.

‘Yun na!

-Reggee Bonoan