SA kabila ng kanyang pagiging busy, attending to all his businesses, meetings, etc., pinagbigyan pa rin kami ng Lord Of Scents, ang Aficionado owner na si Joel Cruz na makapanayam siya sa kanyang magarang opisina somewhere in Sampaloc Manila.

Joel

Alam naman halos ng lahat ng madlang pipol na nagkaanak siya thru in vitro fertilization via surrogate mother, na isang Russian woman. Mayroon siyang six boys and two girls, na ang mga nauna ay magkakakambal.

He is 54 years old now.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Buti at hindi hinahanap ng mga anak ni Sir Joel ang kanilang ina?

“Hindi naman. Hindi nila hinahanap. Pero minsan nagtatanong din sila, ‘where’s Mommy?’ Sinasabi ko na lang she is in Russia,” kuwento ni Sir Joel.

Isa lang ang ina ng kanyang mga anak.

“Isa lang. Isa lang ang Mommy nilang lahat. Pumupunta lang ako ng Russia noon pagkapanganak nu’ng babae. Kaya never, never nilang nakita [ang kanilang ina]. Although ‘yung Mommy nila ang nag-alaga sa kanila nang for five weeks lang.

“Walang breastfeeding. Hindi ko na pina-breastfeed para hindi na nila hanapin, or maski ‘yung mother. Para wala nang emotional attachment.

Lilia is the name of their mother. Pero si Lilia, she also has her own family there in Russia, eh. ‘Yun kasi ang kailangan sa surrogate mother. Na kailangan maganda ‘yung reproductive system mo. May anak na siya at kailangan normal ‘yung delivery ng mga bata.

“Isa lang ang anak niya dun. Mga nine years old na. Meron siyang asawa dun. At medyo maganda din naman ang kinikita niya roon.”

Paano niya pinili si Lilia bilang i n a n g k a n y a n g w a l o n g a n a k ? “Maraming iprinisent sa akin until siya ‘yung pinakagusto ko. Kasi siya ‘yung mataas na, 5’11” ang height, at maganda siya. Actually, mas may nakita akong magaganda sa kanya kaya lang ‘yung height short lang,” paliwanag ni Joel.

“Thru law firm ko siya nakilala. Kasi in Russia it’s legal, ‘yung in vitro fertilization.”

Palagay ba ni Sir Joel, siya ang naging peg nina Mar Roxas at Korina Sanchez, at nina Liza Diño at Ice Seguerra?

“It could be Aiza Seguerra, yes. It could be others, yes, but ‘yung kay Korina kasi naikuwento na kasi niya sa akin way back na after they got married ni Sec. Mar, na nag-fertilized na sila ng kanilang embryo. Meron na sila na ginawa sa Singapore. Kanila talaga ‘yon. “

Aminado naman si Sir Joel na mayayaman lang ang makaka-afford ng nasabing makabagong paraan para magkaanak.

“Yeah. Kasi initially you have to pay six million pesos hanggang P12 million. Kasama na dun ‘yung package na airplane, ‘yung hotel na titirhan mo dun, bayad sa lawyer na per hour, ‘yung food mo, bayad sa interpreter per hour.”

Magkano ang ibinayad niya kay Lilia? “Actually hindi ko alam kung magkano ang bayad dun sa babae, kasi kasama na ‘yun sa package. ‘Yung law firm nila ang nagbabayad sa kanya.”

At ngayong busy siya sa negosyo at sa walo niyang anak, kumusta naman ang love life ni Sir Joel? Hinahanap-hanap din ba niya ang may naglalambing sa kanya? “Minsan din, of course, pagka gabi, ‘yung ganu’n. Pero natatabunan siya sa sobrang dami ng trabaho ko.

“Kasi sa dami kong activities every day, parang nawawala na ‘yun sa isip ko, parang okay na sa akin na walang love life, basta ‘pag naiisip ko na ‘yung mga anak ko, ‘yung businesses ko, parang nawawala na sa isip ko ‘yung ganu’n, ‘yung love life or sex life.

“Kasi kung napakarami mong iniisip para sa kapakanan ng mga anak ko, ‘yung mga business ko, ‘yung mga activities and events na dinadaluhan ko araw-araw. ‘Yung love life, isa lang naman ‘yan, eh, kaya hindi siya nagiging priority sa akin,” paliwanag ni Sir Joel.

-MERCY LEJARDE