Ginahasa ang Grade 6 student ng lalaking nakausap nito sa Juniors-Seniors Promenade sa Victoria High School sa Barangay Victoria Diffun, Quirino, iniulat ngayong Martes.

PROM_ONLINE

Ang biktima, 12, ay minolestiya umano ni Niño Del Rosario, 23, ng Bgy. Villa Pascua, Diffun, Quirino.

Sa ulat, nanonood ang biktima ng JS Prom ng naturang paaralan at nakausap ang suspek nitong Marso 16, dakong 10:00 ng gabi.

3 sa bawat 4 estudyanteng Pinoy, gumagamit ng 'paraphrasing AI tool!'—survey

Niyaya umano ng suspek ang biktima na sumama sa kanya saka ginahasa sa bahay ng kapatid ng una.

Patuloy na tinutugis ang suspek.

-Liezle Basa Iñigo