ANG suwerte ng pelikulang Darna ni Liza Soberano dahil sila ang unang gagamit ng studio ng ABS-CBN SJDM Studio na matatagpuan sa San Jose del Monte City Bulacan. Magsisimula na ngayong summer ang shooting ng Darna at ipalalabas naman na sa 2020.

Liza copy

Nu’ng hindi pa tapos ang studio sa Bulacan ay naisip ni Direk Jerrold Tarog na gumawa ng warehouse na mala-Buy Bust pero masyado raw itong magastos kaya naisip niyang sa bagong studio nalang ng ABS-CBN gawin ang entire shoot ng Darna.

Balita namin sa ginanap na pa-audition para sa kontrabidang babae ni Darna sa Dolphy Theater nitong Sabado, Marso 16, ay tinuruan na rin ang lahat ng staff para sa soundstage na gagamitin.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Isa sa nabanggit sa amin na nag-audition ay si Garrie Concepcion (anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna). Ang Star Magic artists ay may sariling kuwarto kaya hindi sila nakita sa Dolphy Theater.

Ha b a n g i s i n u s u l a t namin ang balitang ito ay wala pang napipiling artista para sa kontrabida role dahil may isa pang patawag si Direk Jerrold.

May s i t s i t sa amin na sumulat ng sariling bersyon niya ng Darna si Direk Jerrold, ibig sabihin, balewala na ang script ni Direk Erik Matti?

Sumakto dahil habang nagsu-shooting sina Liza at Enrique Gil ng Alone Together ay noon naman sinulat ni Direk Jerrold ang script ng Darna.

Finally, lilipad na si Darna pagkalipas ng limang taon!

-Reggee Bonoan