HINDI lamang mas malakas at mas malaki si IBF welterweight champion Errol Spence Jr. kundi mas mabilis din kaya magaang na tinalo si Mikey Garcia via 12-round unanimous decision kahapon sa Arlinton, Texas sa United States.

“The powerful southpaw spent most of their 12-round, 147-pound title fight picking apart the courageous Garcia to his head and body, and showing why he is one of the best boxers, pound-for-pound, in the sport,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com. “When it ended, all three judges confirmed the brutally obvious – that Spence had dominated an ambitious but out-gunned lightweight champion incapable of accomplishing any of the things he predicted.

Nagbigay ng iskor ang mga hurado na sina Connecticut’s Glenn Feldman (120-107), Florida’s Alex Levin (120-108) at Puerto Rico’s Nelson Vazquez (120-108) pabor kay Spence sa FOX Sports Pay-Per-View main event.

Mahigit 47,525 boxing fans ang sumaksi sa laban sa AT&T Stadium na tahanan ng Dallas Cowboys sa American football at para kay Spence ay isang malaking tagumpay ito kahit hindi niya napatulog si Garcia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kaagad niyang hinamon sa duwelo si WBA welterweight champion Manny Pacquiao ng Pilipinas makaraan ang kanyang pagwawagi para mapaganda ang kanyang rekord sa perpektong 25 panalo, 21 sa pamamagitan ng knockouts.

“Throughout training camp, a lot of commentators thought he was too smart and I couldn’t box as well as him,” ani Spence, who “I showed I can box and I can move my head if I want to. The game is to be smart. It’s the sweet science. I had the size and reach advantage, so why not use it to take away the jab? It’s a weapon for me and it takes away one of his weapons. I want Pacquiao next!”

Ito ang unang pagkatalo ni Garcia na four-division world champion at malamang magbalik sa lightweight division taglay ang kartadang 39 panalo, 1 talo na may 30 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña