NANINIWALA kaming may potential nga ang binatilyong si Seth Fedelin, ng Pinoy Big Brother Otso. Magsisimula pa lang kasi siya sa una niyang digital project ay bina-bash na siya, at kinukuwestiyon kung bakit siya napasama sa Abandoned, na pangungunahan ni Beauty Gonzalez, handog ng Dreamscape Digital, at mapapanood sa iWant.

Seth Fedelin copy

Kaya siya bina-bash ay nate-threaten na siguro ang bashers niya na ang iniidolong artista ay wala pang project, kaya takang-taka kung bakit kasama si Seth sa digital movie.

Inaalam pa nga nila kung dumaan sa acting workshop ang binatilyo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inihayag ni Eric John Salut, Dreamscape adprom, ang tungkol sa Abandoned project, at kaagag siyang tinanong ng netizen na si @squidilicious18: “Wala bang pa-workshop muna kay Seth, sir?”

“’Di mo na problema ‘yun,“ sagot naman ni Eric.

Kaagad namang sumaklolo ang program manager ng Dreamscape Digital for iWant na si Ethel M. Espiritu para kay Seth.

“Can I just say this? I was there at the auditions. Please give Seth some credit, kasi in fairness sa kanya his rawness is an added factor, plus he has it. He has potential/s.”

Hindi pa namin nakikilala nang personal si Seth, pero base sa ilang episodes na napanood namin noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya bilang kasama sa PBB Otso, maganda at ‘tila uma-acting ang mga mata niya, kaya makakatulong ito sa karakter na gagampanan niya sa isang drama project.

Bukod dito ay maraming hugot ang bagets, lalo na sa pinagdadaanan ng pamilya niya. Sa murang edad ay siya na ang tumayong padre de pamilya dahil maysakit ang kanyang ama.

Naalala namin si Daniel Padilla kay Seth, dahil hindi sila nagkakalayo ng hitsura. Patpatin din noon si Daniel sa Princess and I serye nila ni Kathryn Bernardo.

Naniniwala kami na sisikat si Seth pagdating ng tamang panahon.

-Reggee Bonoan