Nagbigay ng paalala ang isang propesor ng psychology at socio-anthropology ng Philippine Military Academy (PMA) kamakailan sa mga magulang na bantayan ang akibidad ng kanilang mga anak sa social media, dahil ginagamit din ito ng grupo ng mga terorista bilang paraan ng pangungumbinsi o recruitment.

Ayon kay Capt. Sherhannah Paiso, military science professor at hepe ng education branch ng PMA, kinakailangang alam ng mga magulang kung sino ang mga nakaka-usap ng kanilang mga anak.

Ang naging paalala ni Paiso ay bahagi ng two-day Youth General Assembly and Interfaith Dialogue on Preventing and Countering Violent Extremism na ginanap kamakailan sa Waterfront Hotel, Cebu City.

Ayon sa kanya, dapat ding alam ng mga magulang ang mga “signs”, na tutukoy kung ang kanilang mga anak ay nalalantad sa “radicalization” sa pamamagitan ng uri ng mga grupo na sinasamahan o kinabibilangan ng mga ito, gayundin ang karakter o ugali ng kanilang mga anak sa social media.

Night Owl

Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito

“If you are in a group the promotes violence, there is a tendency for you also to become violent individual. Remember, prevention is always better than cure,” ani Paiso.

Kapag ang isang bata ay nagpalit ng kanyang Facebook account sa pamamagitan ng paglalagay ng maskara ng ISIS o ang bandila nito, nagpapakita ito na namamali ang landas nito sa radikalisasyon, pagdidiin niya.

Naging magkatuwang naman ang National Commission on Muslim Filipinos, na pinangungunahan ni Secretary Saidamen Pangarungan, kasama ang United Nations Development Programme at ang People of Japan sa pagtataguyod ng asembleya, na layong mabigyan ng aral ang mga Muslim na kabataan laban sa “evils of violent extremism”.

Inilarawan din ni Paiso, isang Tausug na lumaki sa Metro Manila, ang kabataan bilang sektor na madaling mapasok o mahikayat dahil sa kanilang “weaknesses”, sa kanilang edad.

“You are vulnerable to radicalization because they target your weakness,” paalala ni Paiso sa mahigit 500 Muslim kabataan sa Central Visayas. tinatawag ang mga ito na “youth for that reason. They do not have yet the critical thinking skills”.

Dagdag pa niya ang mga kabataan na may problema sa pamilya ang malapit sa pag-anib sa mga rebeldeng grupo na nagsusulong ng karahasan sa lipunan.

Ang personal na suliranin ng mga kabataan, tulad ng problema sa relasyon, kapaligiran at peer pressure sa paaralan ay maaari rin magdulot ng pagtaas ng tiyansa na mahikayat sila.

Naikuwento rin ni Paiso ang isang sitwasyon kung saan napigilan ng isang ina ang kanyang anak na makaanib sa grupo ng Maute sa kasagsagan ng digmaan sa Marawi noong 2017, dahil ang kanyang ama ay dating miyembro ng Moro National Liberation Front.

Paalala pa niya, ang Islamophobia at pagtingin sa mga Muslim bilang “terrorists and bombers” ay dapat na maiwasan sa lahat ng lebel ng lipunan upang maiwasan ang mga kabataang muslim na lumahok sa mga samahang nagdudulot ng mga karahasan.

PNA