Inaasahang isasalang bukas sa imbestigasyon ng Kongreso ang mga opisyal ng Manila Water, Maynilad, water regulators at limang alkalde ng Metro Manila kaugnay ng naranasang krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal.
Pangungunahan nina House Committee on Metro Manila Development chairman Quezon City Rep. Winston Castelo at House Committee on Housing and Urban Development chairman Negros Occidental Rep. Albee Benitez, ang pagdinig na sisimulan, dakong 7:00 ng umaga.
“We need to get a clear picture of the situation and how we’re going to deal with it because a lot of people are already getting adversely affected by the problem. We will need explanations from the concessionaires, regulators, and the experts why we got into this mess and their suggestion on how we can get out of it,” pagdidiin ni Castelo.
Umaasa rin si Castelo na sisipot sa pagdinig ang mga inimbitahang resource persons upang makapagbigay ang mga ito ng tamang sistema upang maresolba ang krisis sa tubig.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles na palpak at kulang sa plano ang Manila Water company na nagresulta sa water crisis.
"The water interruptions are localized within the concession areas of Manila Water. This is simply mismanagement. Manila Water should be truthful to the public instead of blaming Mother Nature for their negligence,"
Kabilang din sa inimbitahan sa House investigation sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Pasig City Mayor Roberto Eusebio, Navotas City Mayor John Reynald Tiangco, Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, at Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.
-Charissa M. Luci-Atienza