SAFE at nothing to worry ang mga fans ng Dabarkads ng Eat Bulaga, na on a pilgrimage ngayon sa Holy Land, in Israel.
Last Thursday evening kasi ay nagkaroon ng breaking news ang @SharkNewsWires: “Missiles from Gaza – one was intercepted above Tel Aviv by Iron Dome. Although both rockets fell in open areas just short of Tel Aviv.” Reportedly, naka-red alert ngayon sa Tel Aviv, ang kabisera ng Israel.
Wala na sa Tel Aviv ang Dabarkads nang mangyari ang insidente dahil nagtu-tour na sila sa iba’t ibang lugar doon. Nag-post na sila na nasa Church of the Anunciation na sila sa Caparnaum.
Ang group ay pinangungunahan ng big boss ng Eat Bulaga na si Mr. Antonio P. Tuviera and his wife, mga executives ng EB like Malou Choa- Fagar, Jeny Ferre, at ang Dabarkads na sina Vic Sotto and wife Pauleen Luna-Sotto, Joey de Leon and wife Eileen, Allan K, Wally Bayola, Jimmy Santos, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Luanne Dy, Ryzza Mae Dizon and her mom, Maine Mendoza and Alden Richards. Kasama nila si Fr. Jeff Quintela, as their pilgrim’s priest.
Hindi nakasama si Ruby Rodriguez dahil hindi niya kakayanin ang maglakad dahil sa kanyang knee injury, habang may travel ban pa kay Jose Manalo.
Huling dumating sa Holy Land si Alden last Wednesday morning, dahil nagkaroon pa pala siyang look tests para sa movie nila ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Productions, Inc.
Blessed si Ryzza Mae dahil doon pa naganap ang kanyang First Communion, sa Stella Maris Church in Haifa, Israel.
By March 15, Israel time (late sila ng six hours sa atin), malamang ay nasa Jerusalem na sila, then sa Bethlehem. Ang dami pa nilang pilgrim’s sites na pupuntahan na tiyak na mabe-blessed silang lahat, like ang paliligo nila sa Jordan River, kung saan biningyagan si Jesus Christ ni St. John the Baptist. Gayundin kung gagawin nila ang Via Dolorosa na papasan sila ng Holy Cross habang naglalakad sa street kung saan naglakad si Jesus Christ dala ang mabigat na cross (pero hindi naman mabigat ang cross na gagamitin nila) going to Mount Calvary.
For my part, parang muli akong nag-tour ng Holy Land, dahil ang mga pinuntahan nilang lugar ay siya ring route na pinuntahan namin 25 years ago.
May ibang route kasi, depende kung saan ang port of entry ng pilgrims. Kaya our prayers pa rin for the Dabarkads habang nandoon sila sa Holy Land.
-NORA V. CALDERON