TINUTUTUKAN na ng mga netizens ang malapit nang magtapos na top-rating GMA Afternoon Prime drama series na My Special Tatay nina Ken Chan at Rita Daniela.

Rita at Ken copy

“Goose pimples” daw ang feeling ng bagong love team, na tinawag na BoBrey (for Boyet and Aubrey), kapag nagkakaroon sila ng mall shows sa malalayong lugar sa bansa, pero laging dinadagsa.

Iyon daw naman ang target nina Ken, Rita, at ng production team ng My Special Tatay, ang maipaabot sa mga tao ang concept ng kanilang serye.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Ano ang pakiramdam nila ngayong pinupuri at nagugustuhan ng mga tao ang My Special Tatay?“Sobra po ang pasasalamat namin sa kanila,” sabi ni Ken. “Kung noon pong ibinigay sa akin ng GMA ang Destiny Rose, nabuksan po ang bagong pintuan sa akin, pero nang gampanan ko ang role ni Boyet na may mild autism sa MST, hindi lang pintuan ang nagbukas, pati bintana ay nabuksan.”

“Nagkasunud-sunod po ang pagtanggap ko ng awards, at may coming concerts kaming naka-schedule ni Rita. Marami pong nakikipag-usap sa akin na mga mothers, na tulad ng nangyari sa amin ng nanay kong si Isay (Lilet) sa story ang nararanasan nila.

“Tulad po nang lumapit sa akin sa isang mall, single mother din siya at five years old ang anak niya, naging inspirasyon daw nila kami. Pinapanood daw nila kami ng anak niya. Kaya kami rin po sa production, maingat sa mga eksenang magiging negative ang dating ni Boyet sa televiewers,” mahabang kuwento ni Ken.

“Ang sarap po sa pakiramdam na importante ka sa mga nakakausap mong tao,” sabi naman ni Rita.

“Hindi ko po alam na nang tanggapin ko ang role ni Aubrey ay ganito ang magiging dating sa mga televiewers. Kasi iyong role ko magagalit talaga ang mga tao, pero later on, nang magbago na si Aubrey, nagustuhan na kami at sila rin ang nag-request sa GMA kung puwedeng pabaitin ang character ko at kami na ang maging magka-love team.

“Mas maraming opportunities na dumarating sa akin at nakaka-reach out kami sa mga tao. Hindi ko na nga alam na ‘Rita’ ang name ko dahil kahit saan ako pumunta, ‘Aubrey’ ang tawag nila sa akin.”

Dahil sa magagandang feedbacks sa kanila, bilang pasasalamat ay magkakaroon sina Ken at Rita ng concert sa Music Museum sa May 11, to be produced by GMA Network at Star Media Productions.

Makakasama rin sina Ken at Rita sa GMA Pinoy TV show sa Anaheim, California sometime in June, na makakasama sila nina Lani Misalucha, Christian Bautista, Julie Anne San Jose at Mark Bautista, produced pa rin ng GMA Pinoy TV at Star Media Productions.

Ikinatuwa rin nina Ken at Rita na nabili na ng Latin-American TV ang My Special Tatay. Napanood daw nila ang ilang eksenang naka-dub na sa Spanish at tuwang-tuwa sila. Ipalalabas na ito sa Latin American countries, sa Peru, Ecuador, Venezuela at Costa Rica, kasabay ng iba pang GMA teleserye.

Nasa last three weeks na ang My Special Tatay, na napapanood after ng Inagaw Na Bituin.

-NORA V. CALDERON