Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:30 n.h. -- Alaska vs TNT

7:00 n.g. -- Meralco vs Rain or Shine

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAKABANGON mula sa kinasadlakang dalawang sunod na pagkatalo ang tatangkain ng pumapangalawang Rain or Shine, habang ika-4 na sunod na panalo naman ang target ng pumapang-apat na TNT upang palakasin ang tsansa na tumapos sa top 2 sa elimination round ng 2019 PBA Philippine Cup.

Ang Elasto Painters (7-3) at ang Katropa (5-3) ang dalawa sa tatlong mahigpit na magkatutunggali sa no.2 slot na may kaakibat na bentaheng twice-to-beat sa playoffs gaya ng top spot na kasalukuyang okupado ng Phoenix Pulse (8-2).

Gumigitna sa Rain or Shine at TNT ang kasalukuyang pumapangatlo na San Miguel Beer na may kartadang 6-3.

Mauunang sumalang sa pambungad na laro ngayong 4:30 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay ang Elasto Painters kontra Alaska at susunod ang Katropa sa tampok na laro ganap na 7:00 ng gabi laban sa Meralco.

Kung ang ROS at TNT ay nag-aagawang makapuwesto sa top 2, ang mga katunggali nilang Aces(3-4) at Bolts (3-5) naman ay naghahangad na palakasin ang tsansa nilang makaabot sa playoffs.

Kapwa nasa “must win situation” ang Alaska at Meralco sa mga nalalabi nilang laro upang mabuhay ang kanilang tsansang makapasok.

-Marivic Awitan