KASAMA si Eric Quizon sa cast ng newest teleserye ng GMA7, ang Sahaya, bilang si Hubert.

Inurirat ni Yours Truly kung anong klaseng karakter ang role ni Eric dito. “Mayaman ako dito, isang businessman at gusto kong angkinin ‘yung lupa ng mga Badjao.”

Kumbaga may pagkakontrabida ang role niya sa Sahaya?

“Medyo. Oo. Hindi ako politician dito. Businessman. Basta gusto ko lang angkinin dito ang mga lupain ng mga Badjao.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

How is it working with millennial generation actors like Miguel Tanfelix and Bianca Umali?

“Okay naman. I’ve worked with them. I’ve directed them before kasi so far, dito sa Sahaya ‘di ko pa sila nakaka-eksena, e.

“Ang mga nakaka-eksena ko pa lang dito ay si Pen Medina. But I’ve worked with them, Bianca and Miguel in a television show before. Naging direktor nila ako and both of them naman are promising. Lalo na si Miguel, nakatrabaho ko ‘yan sa StarStruck noon.”

Eh, kumusta naman ang pagiging direktor niya, pahinga ba muna siya dahil acting ang focus niya ngayon?

“Well, I still direct for movies. For television, medyo nag-stop muna ako kasi nga, hindi naman nag-stop totally, kaya lang mas mabigat ‘yung trabaho ‘pag nagdidirek sa telebisyon. So after directing all these teleserye in the past medyo napagod na rin ako. Nakakapagod siya, eh. But I’m not closing my doors but it depends on what I am going to do. At saka kung gaano kahirap ‘yung work length. Kasi I’m not getting any younger.

“At napansin ko lang kasi na kapag director ako parang napapabayaan ko ‘yung health ko, eh. Kasi you eat unhealthy food. Parang ganu’n.”

Okay lang ba sa kanya magdirek ng pelikula?

“’Pag sa movies kasi madali lang, eh. Ten to fifteen days tapos na ang pelikula, eh. ‘Di katulad sa TV series talagang patayan, magdamagan kasi,” sabi ni Eric.

Niwey, beginning this coming March 18 ay mapapanood na ang Sahaya sa Kapuso telebabad bilang kapalit ng Onanay.

So there, brother!

-Mercy Lejarde