PAGKATAPOS ng mediacon ng Bagman ay nasolo namin ang isa sa producer ng Rein Entertainment at kumakandidatong Mayor ng Taguig City na si Direk Lino Cayetano.

Tinanong namin kung napagod na siyang magdirek dahil mas gusto na lang daw niyang mag-produce at kung papalarin, ay magpu-full time public servant kapag nanalong mayor ngayong halalan.

“Hindi naman ako napagod (mag-direk), but I think dumating na ako sa point ng buhay ko na may three kids lalo na ngayong lumalaki ang mga anak ko at nakikita ko talaga ‘yung need na full time in public service.

“Parang nakita ko na mas malinaw na ito ‘yung direction ko, ito ‘yung calling ko. Maski naman ‘pag nag-uusap kami ni sir Deo (Endrinal) na bakit natin ito ginagawa, ‘yung soap, in fairness lagi naming tinatanong ang ABS (CBN), para saan ‘to? Para mapakita namin na matapang, dapat labanan (korapsyon). Sa ‘May Bukas Pa’ (serye) dapat may pananampalataya, may pagmamahal sa pamilya. Sa ginawa namin nina Piolo (Pascual) na ‘Noah’, pagmamahal sa pamilya. So nakita ko nu’ng naging tatay ako na ito ‘yung opportunity na para magkaroon ng change,” paliwanag ni direk Lino.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

At dahil magiging full-time na siya ay ipinaubaya niya kina Phillip King at Direk Shugo Praico ang pamamahala sa Rein Entertainment at consultant naman si Direk Lino.

“Partners ko naman sila, hindi na ako day to day active, more on support na lang ako at saka napaka-talended nina Shugo na naging writer for 13 years in ABS CBN, si Phillip is also starting his next movie, writer din siya rito, home grown director ng Dreamscape (Entertainment),” saad niya.

Nalaman namin na nu’ng binubuo ng Rein Entertainment ang Bagman ay wala pang naiisip sina Direk Lino, Phillip at Shugo kung sino ang gaganap.

“‘Yun ang kagandahan ng pagsusulat ng script nang wala ka sa network. Puwede mong isulat ng nag-iisip ka lang ng character. Sabi nga ni Shugo, inisip lang niya ‘yung kuwento niya, hindi siya nag-isip ng location, artista, love team. Kung makita n’yo, walang loveteam. And then nu’ng buo na ang kuwento, tiningnan ng ABS (Management) ‘yung Dreamscape Digital, sabi nila, ‘ang kailangan diyan magaling at flexible kasi bagman, fixer’. May eksena rito kausap niya pastor, may kausap siya tricycle driver, kausap niya governor o judge.

“Sinabi ng Dreamscape head (Deo), ‘Lino gusto n’yo ba si Arjo (Atayde)?’, lahat kami nagulat kasi ‘di namin alam na ganu’n kalaking artista ang ibibigay, kala namin maliit na project lang ito. Nu’ng sinabi ni Sir Deo na puwede si Arjo sabi namin talaga kasi mabibigyan ng lalim at layers ito kasi fixel siya ng bagman.

“So, iba’t ibang pamamaraan ng paglalambing. Dapat ‘yung karakter rin niya marunong bumali, si Arjo ang laki ng range niya, sana mapanood mo at text mo ako what do you think and were are really so excited na parang tingin namin na kapag naging hit ito, maging opportunity ito for international,” kuwento ni Direk Lino.

Ang unang plano sa Bagman ay walong episodes lang bakit ginawang 12 na?

“Ginawang 12 na tapos hindi naman namin alam na nag-lock sila kagabi (March 12). Lahat ng stations ng ABS sabay-sabay pinalabas ang trailer ng ‘Bagman’, sabi namin first time ito kinilabutan nga ako, we thought it’s just a small production,” aniya pa.

Oo nga, talk of the town ang trailer ng Bagman at looking forward sila sa airing nito sa iWant sa March 20 pero magkakaroon naman ng celebrity screening sa Trinoma sa March 19.

-Reggee Bonoan