SA hangaring madiskubre ang mga bagong talento sa mga lalawigan, ipinahayag ng Go for Gold ang pakikipag-sanib puwersa sa Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) para sa Regional Championships.

INIABOT ni sports patron at Go For Gold Philippines head Jeremy Go ang skateboard sa batang skater na kabilang sa training pool ng asosasyon. (RIO DELUVIO)

INIABOT ni sports patron at Go For Gold Philippines head Jeremy Go ang skateboard sa batang skater na kabilang sa training pool ng asosasyon. (RIO DELUVIO)

Sa isinagawang media presentation kahapon, sina ni SRSAP president Monty Mendigoria na magsisimula ang torneo sa gaganaping Luzon leg sa Marso 23-24 sa Iba, Zambales.

Kasunod ng Luzon leg ay Ang Visayas leg na magaganap Naman sa April 6-7 sa Cebu City na siyang hometown ni Asian Games gold medalist Margielyn Didal.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We feel that Margie and the skateboarding team will become our bright lights in the 2020 Olympics and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal,” pahayag ni Go for Gold Godfather Jeremy Go.

Makalipas ang dalawang leg, magaganap naman ang National SEA Games qualifier sa Sta. Rosa Laguna sa Agosto 24-25 para makuha ang komposisyon ng team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games.

“We will look for the best skaters in the regional,” dagdag pa ni Mendigoria.

Kabuuang 16 gintong medalya ang nakataya para sa skateboarding sa biennial meet kung saan magtatangka ang skateboard athletes na makasikwat ng karangalan sa biennial meet.

“The top three participants from the regionals will get the chance to prove their worth in the national SEA Games qualifying championship,” pahayag ni Mendigoria.

Sinabi rin ni Go na katuwang ang Go-for-Gold sa hangarin ng skateboarding na mapagwagihan ang unang ginto sa Olympics sa gaganaping Tokyo edisyon sa susunod na taon.

Nakatakda umanong sumabak ni Didal sa Olynmpics qualifying meet sa mga susunod na buwan.

“Lahat tayo gusto nang matapos ang matagal nang hinihintay na Olympic gold. Kung manggaling ito sa skateboarding, mas maganda para sa sports,” pahayag ni Go.

-Annie Abad