Matapos aminin ang kinasasangkutang kontrobersiya, nagretiro na sa showbiz ang K-pop star na si Jung Joon-young.
Isa na namang K-pop star ang nagretiro makaraan niyang aminin na kinunan niya nang palihim ang mga babaeng nakatalik niya at ibinahagi pa niya ito sa iba.
Inihayag ni Jung Joon-young, 30, ang kanyang agarang pagreretiro sa show business sa gitna ng kontrobersiya.
“I admit to all my crimes,” sabi niya.
“I filmed women without their consent and shared it in a chatroom, and while I was doing so I didn’t feel a great sense of guilt,” aniya pa sa isang pahayag na inilabas nitong Martes.
Isa si Jung sa tatlong male artist sa group chat room, kung saan in-upload ng mga miyembro ang video ng kanilang mga sex video na kinunan ng palihim. Aabot sa 10 kababaihan ang natampok sa group chat, ayon sa local broadcaster na SBS.
Nitong Lunes lang inihayag ng K-pop singer na si Seungri, tanyag na miyembro ng boy band na BIGBANG, ang kanyang retirement sa show business sa gitna ng kinasasangkutan niyang sex-for-investment criminal investigation. Isa rin siya sa member ng chatroom.
Mahigpit na inaalagaan ng K-pop stars ang kanilang clean-cut image — at ito rin ang ipino-promote ng South Korean government bilang key cultural export — kaya napakalaking kontrobersya ng kaso ng dalawang K-pop stars.
Sasailalim sa imbestigasyon ng Seoul Metropolitan Police Agency si Jung ngayong linggo, lahad ng officer sa AFP.
Maigting na nilalabanan ng South Korean government ang lumalaking epidemic sa bansa na tinatawag na “molka” — spycam videos na ginagamit ng mga kalalakihan para kunan nang palihim ang mga kababaihan, na ibinahagi pa sa iba.
“This case just shows that male K-pop stars are no exception when it comes to being part of this very disturbing reality that exploits women,” lahad ng women’s rights activist na si Bae Bok-ju sa AFP.
Agence France-Presse