Walang plano ang Department of Education na magsuspinde ng klase sa mga lugar na nakararanas ngayon ng krisis sa tubig, ngunit pinayagan ang mga estudyante na pumasok kahit na hindi naka-uniporme.

UNIFORM

Ayon kay DepEd Spokesperson Undersecretary Analyn Sevilla, hindi solusyon sa problema sa tubig ang pagsususpinde ng pasok sa mga paaralan, lalo na ngayong malapit na ang bakasyon.

“Hindi po kasi solusyon na 'wag papasukin ang mga bata sa eskuwelahan dahil kailangan nilang habulin 'yung kanilang minimum contact time at magke-create tayo ng another problem,” ayon pa sa DepEd official, sa panayam sa telebisyon.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa halip namang hindi papasukin sa klase, simula ngayong Huwebes ay maaari nang pagsuotin muna ng casual clothes ang mga estudyante, kung wala nang maisuot na uniporme ang mga ito dahil hindi na nalalabhan.

“We will be very flexible. Ang pinaka-priority natin ay ma-maintain natin na ang mga bata at guro ay papasok,” ani Sevilla.

Binibigyan naman ng DepEd ng kalayaan ang mga pribadong paaralan na magpasya kung papayagan din ang kanilang mga mag-aaral na hindi mag-uniporme.

Kasabay nito, umapela ang DepEd sa Manila Water na kaagad na solusyunan ang problema sa tubig upang hindi tuluyang maapektuhan ang operasyon ng mga paaralan.

-Mary Ann Santiago