Isa na namang abugado ang napatay nang ito ay barilin habang pasakay sa kanyang kotse sa harapan ng isang shopping mall sa Tagum City, Davao del Norte, nitong Miyerkules ng gabi.

LAWYER download (9)

Sa ulat ng Tagum City Police Station, ang biktima ay nakilalang si Rex Jasper Lopoz , 41, ng Purok 9, Nabunturan, Compostela Valley.

Pasakay na sana ang biktima sa kotse nito nang biglang itong bumulagta, dakong 7:00 ng gabi.

National

Palasyo sa mga nadismaya sa pagbasura ng impeachment complaint vs PBBM: 'Sorry na lang po!'

Sa pag-aakalang inatake sa sakit sa puso, agad itong isinugod ng driver nito sa Bishop Joseph Reagan hospital kung saan ito binawian ng buhay.

Ayon sa doktor, may tama ng bala sa likod ng biktima na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Sa paliwanag ng isang security guard ng shopping mall, nakarinig ito ng isang putok ng baril bago nadiskubreng bumulagta ang biktima.

Iniimbestiahan pa rin ang insidente upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa krimen.

Nitong Setyembre 24 ng nakaraang taon, napatay din sa pananambang ng riding-in tandem ang abugadong si Connie Villamor habang minamaneho nito ang kanyang sports utility vehicle sa Apokon national highway.

-Junar Fenequito