Iniutos na ang pagtatanggal ng anumang bayarin sa mga sakramento at iba pang serbisyo ng simbahan sa Balanga sa Bataan
Ito ang naging hakbang ni Balanga Bishop Ruperto Santos na nakatakdang ipatupad sa Abril 21 kung saan hindi na sisingil ang mga simbahan ng funeral mass at blessings sa kanyang nasasakupan.
Aniya, hindi na dapat pang dagdagan ang pagdadalamhati ng mga kaanak ng mga namayapa.
“Financial obligations from the perspective of the Church are not of prime importance and must not be a burden to them. We should not obliged them either for the arancel, but we can be open for their free will to give or donate for the Church,” ang bahagi ng pahayag nito na inilabas sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) News.
Ang tinutukoy nitong arancel system sa Simbahan ay ang kinaugaliang pagbabayad sa mga pari kapalit ng kanilang serbisyo.
Wala na rin aniyang bayad ang binyag, kasal, confirmation at ba pang serbisyo ng Simbahan sa susunod na mga taon.
“We will make auditing of the parishes, which of them are ready and how to prepare barangay parishes. But as we will celebrate our 50th year in 2025, it is our dream to our people that there would be no arancel system for sacraments in our diocese,” paglalahad pa ni Santos.
-Leslie Ann G. Aquino