PINATATAG ang ugnayan ng Pilipinas at South Korea sa naselyuhang sports cooperation sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Embahada ng South Korea para sa isasagawang ‘Sports Festival’ sa Hunyo kaugnay ng Philippine-Korea Diplomatic Relations.

Kasama ni PSC Chairman William "Butch" Ramirez na humarap sa media sina Korean Embassy Representatives  Consul General Kim Hong-kon, Consul Park Joong-suk,  First Secretary and Director of Korean Culture Center D. Lee Jincheol.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

"Matagal na nating partner sa sports development ang Korea. About 60-70% of our coaches in taekwondo and fencing are mostly Koreans,” pahayag ni Ramirez.

 Kabuuang 12 sports discipline ang nakatakdang paglabanan sa friendly competition sa Hunyo sa nasabing sports Festival.

 Kabilang sa mga sports na lalaruin ay angsoccer, football, baseball, at  taekwondo.

Ayon pa Kay Ramirez, handa ang Rizal Memorial Complex upang maging venue ng nasabing dalawang area kung saan ang baseball field ang siyang gagamitin para sa opening ceremonies.

-Annie Abad