NASASANGKOT ang Korean singer na si Jung Joon-young sa sex video sharing scandal, kasama si Seungri ng Big Bang.
Iniimbestigahan ng pulisya si Jung Joon-young, na pinaghihinalaang nagbahagi ng mga illegally filmed sex videos sa Kakao group chat, na kinabibilangan ni Seungri at ng iba pang celebrity. Ibinahagi rin umano sa naturang group chat ang ilang larawan ng kababaihan.
Ito ang pinakabagong balita sa isyung kinasasangkutan ni Seungri, na sumasailalim ngayon sa imbestigasyon dahil sa umano’y pagsu-supply nito ng babae sa mga potential investor sa kanyang kumpanya.
Inanunsiyo ni Seungri nitong Lunes na magreretiro na siya sa showbiz sa gitna lumalawak na imbestigasyon.
Ayon sa ulat ng SBS, nakuha umano nito ang 10-month long chat messages na naganap noong 2015, kung saan in-upload ni Jung Joon-young ang kanyang mga sex videos, na lihim niyang kinunan, sa chat room.
Sa isang chat noong 2015, sinabi umano ni Jung Joon-young sa isang kaibigan na nakipagtalik siya sa isang babae at noong ay in-upload niya ang three-second footage, ayon sa Korea Herald. Nakita sa chat room ang mga video at larawan ng 10 babae na palihim na kinunan ng litrato o video.
Si Jung Joon-young ay kasalukuyang nasa Los Angeles para sa shooting ng Korean TV show. Dahil sa scandal ay bumalik ang singer sa Korea.
Inihayag naman ng kanyang agency, ang MAKEUS Entertainment, na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon.
Samantala, inanunsiyo ng Korean TV program na 2 Days & 1 Night, kung saan isang regular cast member si Jung Joon-young, na sususpindehin nila ang singer dahil sa isyu. It will also edit out his scenes on the TV show.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nasangkot si Jung Joon-young sa sex video sharing scandal.
Noong 2016, inakusahan siya ng ex-girlfriend niya na paihim na nagbi-video habang sila ay nagtatalik. Nang hingiin ng pulisya ang kanyang phone, sinabi niyang nasira ito. Binawi ng ex gf niya ang kanyang akusasyon at pansamantalang lumayo sa limelight si Jung Joon-young bago bumalik sa 2 Days & 1 Night noong 2017.
Sa ilalim ng Korean law, “A person who takes pictures of another person’s body, which may cause any sexual stimulus or shame, against the latter’s will by using a camera or other similar mechanism, or who distributes, sells, leases, or openly exhibits or screens such pictures so taken shall be punished by imprisonment for not more than five years or by a fine not exceeding ten million won.”
-JONATHAN HICAP