“KAPAG umuulan at umaaraw, may ikinakasal na Tikbalang.”
Ito ang kasabihan ng matatanda at dito umiikot ang kuwento ng pelikulang Ulan ni Nadine Lustre, na isinulat at idinirek ni Irene Emma Villamor, handog ng Viva Films at HOOQ.
Laking lola si Nadine bilang si Maya at lahat ng mga bilin o sinasabi sa kanya ay tinatandaan at ini-imagine niya kaya ang kabuuan ng karakter ng aktres ay mala-Alice in Wonderland.
Ang ganda ng look ng pelikula, pati styling ni Nadine, super fresh. Ang galing ng mga anggulo ni Direk Irene, at higit sa lahat, panalo ang cinematography ng buong pelikula.
Ang daming locations at paulan sa pelikula kaya sigurado kaming malaki ang budget nito.
Anyway, kinilig nang husto ang JaDine supporters nina Nadine at James Reid at iba pang fans na dumalo sa premiere night ng Ulan sa Trinoma Cinema 7, dahil dumating si James at talagang tilian ang lahat.
Naroon ang halos lahat ng cast ng Ulan tulad nina Nadine, Marco Gumabao, Andrea del Rosario kasama ang mini-me niyang anak, sina Leo Martinez, Josef Elizalde, Meghan Dee, AJ Muhlach, Ella Ilano (batang Nadine) at Direk Irene.
Hindi naman nakarating si Carlo Aquino. Naroon naman si Sam Concepcion bilang suporta kay Nadine, na girlfriend ng kaibigan niyang si James.
Dumalo rin ang Viva big boss na si Vic del Rosario, sina Joanne Quintas, Ms Veronique del Rosario at iba pang Viva executives.
Ngayong Miyerkules, Marso 13, na ang showing ng Ulan nationwide na Graded A ng Cinema Evaluation Board at PG naman ng Movie and Television Review and Classification Board.
-Reggee Bonoan