HINDI itinago ni JK Labajo ang katotohanang naiinis siya sa pagkokomento ng ilang tao sa kamakailang insidente sa kanyang concert nang minura niya, nang nakamikropono, ang isang miyembro ng audience nang banggitin nito ang pangalan ng kapwa niya singer na nakaalitan niya noong nakaraang taon.
Isa sa mga tinanong ng mga reporter para magbigay ng komento sa naturang insidente ang bokalistang si Teddy Corpuz sa isang press conference.
Nag-post si JK ng kanyang mensahe sa Instagram nitong Linggo.
“So I talked to Papi Teddy just now and (he) told me his side of the story. Basically the media doing their media voodoo (*some words were removed) again of asking you a question and then twisting your words,” aniya.
“So basically pinasama nila ang opinion ni Papi Teddy. Ginawan nila ng paraan para magkaroon ng connection ang sagot ni Teddy sa issue ko.”
Ini-upload ang video na nakausap ni Teddy ang media tungkol sa usapin online, kung saan sinabi niyang “it’s not cool to curse.”
Pagtutuloy naman ni JK: “Teddy and I talked to each other and apologized to each other kasi dapat nagmamahalan ang mga rockers. Labyu Papi Teds.”
Sa kanyang post, direktang pinatungkulan ni JK ang entertainment press: “I know you media peeps are just doing your job of feeding all these chikas to pakielameros and pakielameras so that they have something to talk about while washing their clothes or having their hair fixed at the salon. (B)ut I wish you guys would just give a little bit of respect to NOT ask a question regarding a different topic to someone’s presscon promoting their movie.
“And also guys, a moral lesson. There (are) always two sides of a story. Or even three. Actually sometimes a lot. But anyways, before you do/say something, always know the context.”
Ini-repost din ni JK ang IG story ni Teddy.
“Ey @karloslabajo. It was great talking to you brother to clear things out. Ang saya lang kasi hindi tayo natibag nang sistema. More power to your music brother! Let me treasure this day and our little conversation. Mabuhay ka brother and see you soon,” nakasaad sa post.
-REGINA MAE PARUNGAO