INAASAHANG magbubukas ang maraming oportunidad para kay coach Goldwin Monteverde. At kung maging ang Philippine Batang Gilas basketball team ang magbukas ng pintuan, walang dahilan para ito palagpasin.

MONTEVERDE: Handang maglingkod sa Batang Gilas

MONTEVERDE: Handang maglingkod sa Batang Gilas

“Why not? It’s a big honor for me to serve the national team,” pahayag ni Monteverde sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kamakailan sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Sentro ng atensyon sa basketball community ang mahusay na taktika ni Monteverde sa matagumpay na kampanya ng National University-Nazareth School sa UAAP Season 81 junior basketball.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Dehado sa line-up, ngunit hindi sa determinasyon at talento, nagawang mapagbagsak ng Bullpups ang liyamadong Ateneo Blue Eaglets na pinangungunahan ng No.1 junior cage player na 7-foot-1 na si Kai Sotto.

‘Yun finals (against Ateneo), mahirap talaga ang pinagdaanan ng team. But I am really happy dahil this is my first UAAP championship,” sambit ni Monteverde, isa sa pinakamatikas na high school basketball coach sa kasalukuyan.

Inamin ni Monteverde, naging mentor din ng Chiang Kai Shek at Adamson, na handa siyang subukan ang bagong hamon sa kanyang career sa hinaharap, ngunit sa kasalukuyan, nais niya munang maipagdiwang ang kampeonato.

“Kung may bagong opportunity, may bagong challenge, I welcome them. Pero ngayon, gusto ko muna mag-celebrate kasama ang team,” pahayag ni Monteverde, may tangan ding titulo sa National Basketball Training Center (NBTC), Metro Manila Basketball League (MMBL), Tiong Lian Basketball League and at Palarong Pambansa.

Ngunit, para sa kanya, ang panalo sa UAAP Season 81 ang pinakamatamis dahil ito ang kauna-unahan sa kanyang career.

Sa pangunguna nina Batang Gilas standout Carl Tamayo at Kevin Quiambao, nanguna ang Bullpups sa elimination round tangan ang 13-1 karta. Ginapi nila ang dating walang talong No. 4Adamson University, 94-82, sa semis.

Laban sa Ateneo at kay Kai Sotto sa finals, nagpakatatag ang Bullpups para sa 70-58 panalo kasunod ang 64-54 desisyon para walisin ang Eaglets.

“Yun talent ng team, nandyan yan. Alam ng lahat yan. Pero yun hirap at sakripisyo ng mga players kasama kanilang mga magulang, yun ang nagpa-champion sa amin,” pahayag ni Monteverde sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) ang napapanood ng live via Glitter Livestream sa Facebook.

-EDWIN ROLLON