Ipinagdiinan ni reelectionist Senator Juan Edgardo "Sonny" Angara na kailangan ng gobyerno ng "El Niño action plan", upang matulungan ang mga magsasaka sa paparating na El Niño.

EL NIÑO_ONLINE

Sinabi ni Angara na dapat ikonsidera ng gobyerno ang pagtatalaga ng “anti-El Niño czar” na bubuo ng multiagency response upang maresolba ang problema dulot ng tagtuyot.

"A man-made disaster over a natural disaster is a double whammy that will leave less food on the table for families and less income for farmers," pahayag ni Angara.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"There are threats to agriculture in multiple fronts. Government should help farmers battle the many crises they are facing," dagdag ni Angara.

"Timely aid is one way of preventing farmers’ anger from boiling over. El Niño can also ignite dissatisfaction," aniya pa.

“Ang init ng panahon ay nagpapataas din ng galit," sambit ni Angara, tinutukoy ang 2016 El Niño episode nang ang gobyerno ay "came too late, too little."

Apat na ahensiya ng gobyerno, ayon kay Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, ang maaaring pagmulan ng pondo para masagot ang problema sa El Niño.

Kabilang dito ang National Disaster Risk Management and Mitigation (NDRMM) fund o ang tinatawag na calamity fund; pondo mula sa agriculture agencies katulad ng National Irrigation Administration (NIA); Rice Competitiveness Enhancement Fund alinsunod sa Republic Act 11203 o ang Rice Tariffication Law, gayundin ang pondong inilalaan ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang lugmok sa kahirapan.

-Hannah L. Torregoza at Leonel Abasola